Zamboanga- Family’s Brand Sardines madaling nakausad sa quarters
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na ipinaparamdam ng Zamboanga City-Family’s Brand Sardines ang kanilang lakas matapos kalusin uli ang unang dalawang nakatunggali sa preliminary round ng Leg 2 ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup kahapon sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna.

Unang pinagpag ng Family’s Brand Sardines sa pangunguna ni team captain Alvin Pasaol ang Petra Cement-Roxas City, 21-18 bago sinisiw ang Pasig-Sta. Lucia Realtors, 21-13 upang ilista ang 2-0 karta sa Pool B para makapasok sa quarterfinals,.

“One game at a time pa rin ang mindset namin,” hayag ng Davao City-native na si Pasaol.

Swak na rin sa susunod na phase ang Pasig sa 1-1 matapos patalsikin ang Roxas City, 21-18.

Ang ibang miyembro ng Zamboanga City na puntirya ng ibang teams na makalaro sa finals ay sina Troy Rike, Joshua Munzon at Leonard Santillan.

Makakalaban ng Family’s Brand Sardines sa quarterfinals knockout ang sister team na Bacolod-Masters Sardines as of presstime bago ang semifinals at finals na lalaruin din kagabi para matukoy ang 2nd leg champion matapos pangunahan ng Zanboanga ang unang leg.

Nakalaan ang P100,000 sa magkakampeon sa bawat  leg at karagdagang P100,000 sa team na makakaharap ang  Zamboanga City sa finals.

Bukas ilalarga ang Leg 3 sa Oktubre 27 ang fourth leg habang ang Grand Finals ay sa Oktubre 30 kung saan nakataya ang P1-M premyo sa magkakampeon.

CHOOKS-TO-GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with