Cignal TV bagong partner ng UAAP
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May bagong ta-hanan na ang University Athletics Association of the Philippines (UAAP) sa Cignal TV.

Dahil wala na sa ere ang ABS-CBN, kinaila-ngang maghanap ng bagong TV partner ang UAAP.

Nakuha ng Cignal TV ang broadcasting rights ng UAAP Season 83 na inaasahang tatagal hanggang 2026.

“As part of this collaboration, select events of the UAAP will be aired live on One Sports channel and its other digital assets, ensuring an engaging and expansive coverage across different multimedia platforms,” ayon sa lumabas na statement kagabi. “With its affi­liate network, TV5, their combined experience in sports production provides the UAAP with a strong foundation in its efforts to promote collegiate sports in the country.”

Ang ABS-CBN ang home network  ng UAAP mula pa noong 2000 ngunit hindi na nakakuha ang television giant ng bagong franchise sa House of Representatives noong May.

Tatagal ang partnership ng Cignal at n g UAAP ng lima’t kalahating taon.

Ipapalabas din ang mga games sa iba pang channels ng Cignal.

Ang 83rd season ng liga ay inaasahang magsisimula sa April, 2021.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with