Panglimang sunod ng Tropang Giga
Panglimang sunod ng Tropang Giga
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sadyang malakas ang firepower ng mga Tropang Giga kahit ipinahinga si star guard Jayson Castro.

Ipinagpatuloy ng Talk N Text ang kanilang pana-nalasa matapos basagin ang Blackwater, 109-96 para muling solohin ang pamumuno sa 2020 PBA Philippine Cup na nagpatuoy kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Tropang Giga, nakahugot kay RR Pogoy ng 20 points, 7 rebounds, 4 assists at 3 steals.

“Siguro sumusunod lang kami sa sistema ni coach (Bong Ravena),” sabi ni Pogoy. “Kapag may na-injured (Castro) dapat talaga mag-step up iyong ibang players. So nagtulung-tulong kami.”

Nagdagdag si guard Ray Ray Parks, Jr. ng 18 markers at may 17, 16 at 14 points sina center Troy Rosario, Simon Enciso at Poy Erram, ayon sa pagkakasunod, para ipalasap sa Elite ang ikatlong kabiguan sa limang laro.

Lumobo sa 102-81 ang kalamangan ng TNT sa huling 5:03 minuto ng final canto na hindi na naibaba ng Blackwater, nahulog sa two-game slide.

Kasalukuyang nag-lalaban pa ang Alaska at Rain or Shine kagabi habang sinusulat ito.

Hangad naman ng Meralco at NLEX na mailista ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo sa bakbakan nila ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang sagupaan ng Magnolia at Phoenix sa alas-6:45 ng gabi.

JAYSON CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with