PBA bubble nabulahaw

CLARK, Pampanga, Philippines — Nabulahaw ang buong PBA bubble kamakalawa dahil sa suspetsang CO-VID-19 case ng isang re-feree na dinala na sa qua-rantine facility sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Unang nag-positive sa swab test ang natu-rang game official subalit nag-negatibo naman sa antigen test pagdating sa Capas kaya kailangan ng confirmatory test upang masiguro ang posibilidad na false positive nga ito, ayon sa PBA, Clark Development Corporation (CDC)at Bases and Conversion Development Authority (BCDA).

Sa ngayon, siniguro ng PBA, CDC at BCDA na naipapatupad ang mga karampatang protocols para sa mga sitwasyon na ito at nananatiling ligtas ang bubble.

*ALASKA, BLACKWATER SWAB TEST ULI-- Sumailalim sa panibagong swab tests ang Alaska at Blackwater teams kahapon bunsod ng exposure sa suspect case matapos ang laban nila noong Martes ng gabi.

Kagaya ng ibang PBA teams, nauna nang nag-negatibo ang resulta ng dalawang koponan su-balit nag-request uli na masuri upang masiguro ang kaligtasan.

*DOBLE INGAT-- Sa kabila ng mga ginawang nararapat na hakbang, pinaalalahanan ni Commissioner Willie Marcial na magdoble-ingat pa rin ang lahat ng nasa loob ng bubble.

“Wake-up call sa atin ito na ‘wag tayong mas-yadong mag-relax. Nasa bubble tayo pero ganun pa rin ‘yung protocols. Talagang kailangang mag-ingat. Ngayon, talagang ako na mismo magpo-police,” aniya.

*POOL, GYM BUKAS NA ULI-- Puwede na ulit gumamit ng pool at gym, mag-jogging at walking ang mga manla-laro at coaches ngayon sa ilalim ng mahigpit na protocols matapos tanggalin ang restrictions.

Kasabay kasi ng balita ng suspect case ay nilimitahan muna kamakalawa ang paggalaw ng mga koponan dito sa Quest Hotel maliban na lamang kung may ensayo at laro sa SMART 5G-powered Angeles University Foundation Sports and Cultu-ral Center.

*7-REFEREE NA LANG-- Pito nalang mula sa 16 PBA referees ang pi-pito sa mga laro hanggang Linggo matapos ang isolation ng mga 1st at 2nd layer of contacts ng referee na nag-positive sa swab test.

Nag-quarantine ang walong referees sa Capas, Tarlac kasama ang suspected COVID-19 positive habang pauuwiin na ang isa bunsod ng controversial wrong call noong nakaraang linggo. Magpapalit-palitan muna ang mga natirang game officials hanggang ma-clear ang walong naka-isolate sa Linggo.

 

 

 

Show comments