Nalagay sa Alanganin ang PBA bubble

Kung hindi magbabago ang ratsada, may tsansang TNT-Ginebra ang finale sa PBA Philippine Cup bubble play.

Angat ang kisig ng dalawang koponan, at least sa unang labing dalawang araw sa AUF Gym games.

Maganda naman talaga ang potensyal ng lineup ng TNT at Ginebra. At mukhang maganda ang nagawa nilang preparasyon sa maigsing panahon na buildup para sa bubble competition.

Para sa Tropang Giga, maganda ang bunga ng kanilang lockdown preparation sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Sa Ginebra naman, nariyan ang chemistry ng kanilang intact champion lineup.

Pero siyempre, maaa-ri pa ring magbago ang sultada pagdating ng playoffs.

Nananatiling nakakatakot ka-matchup ang San Miguel Beer. At dapat palaging handa kapag kalaban ang mga regular contenders gaya ng Magnolia, Rain or Shine at Alaska Milk.

Ang pinaka-delikado ay kung makaalpas o makapasok sa competitition ang perwisyong COVID-19. Nagbigay a ito ng babala nang mag-test positive sa pinakahuling round of tests ang isang referee.

Mabuti naman at nag-negative sa kanyang subsequent antigen test.

Krusyal ang susunod na testing kung mananatiling solido ang PBA bubble.

 

Show comments