NLEX nakatikim

MANILA, Philippines —Inalagaan ng NLEX ang kanilang kalamangan sa fourth period para payukurin ang NorthPort, 102-88 at makapasok sa win column ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Kumolekta si guard Kiefer Ravena ng 25 points, 5 rebounds at 4 assists at 2 steals para sa 1-3 baraha ng Road Warriors at nagdagdag sina JR Quiñahan, Kevin Alas at Jericho Cruz ng 17, 16 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

“We’re just trying to survive, we’re just trying to get our confidence back, our bearing back,” sabi ni coach Yeng Guiao sa kanyang tropa.

Bukod sa pagkakalimita kay Fil-German 6-foot-8 center Christian Standhardinger sa 7 points mula sa kanyang 21.3 points average ay nakaapekto rin sa Batang Pier ang posibleng right hamstring injury ni Sean Anthony na nalasap nito sa first quarter.

Naglalaro ang Barangay Ginebra at Phoenix kagabi habang isinusulat ito kung saan asam ng Gin Kings ang kanilang ikaapat na dikit na panalo.

Target naman ng TNT ang 5-0 record sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Rain or Shine at Alaska sa alas-6:45 ng gabi.

Show comments