^

PM Sports

Pogoy PBAPC Player of the Week

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Pogoy PBAPC Player of the Week
RR Pogoy

CLARK, Pampanga, Philippines — Itinanghal si TNT Tropang Giga sniper RR Pogoy na  unang PBA Press Corps Player of the Week sa 2020 Philippine Cup restart dito.

Nagliyab sa 45 puntos si Pogoy mula sa 10 tres upang bitbitin sa comeback win ang TNT kontra Alaska, 100-95.

Nagpatuloy ang pananalasa ng Ming-lanilla, Cebu pride sa paghataw ng 11 puntos at siyam na boards sa 112-101 panalo ng TNT kontra sa Terrafirma bago ipagpag ang ankle injury sa pagtabo ng 15 puntos at apat na rebounds sa kanilang 107-88 tagumpay sa San Miguel.

Sa kabuuan ay nagrehistro ng 23. 7 points sa 44-percent 3-point clip, 7.0 rebounds, 1.3 assists at 2.0 steals sa tatlong laro si Pogoy upang daigin ang teammate na si Ray Parks Jr. at Matthew Wright ng Phoenix para sa lingguhang parangal ng PBA Press.

“Happy ako kasi maganda performance, tapos nananalo pa ‘yung team. Sabi nga ng teammates ko, tuluy-tuloy lang daw. Wala pa dapat i-celebrate kasi four games pa lang. Malayo pa ito,” ani Pogoy sa citation para sa linggong Oktubre 11-18.

Ang Rain or Shine guard na si Adrian Wong naman ang itinanghal na PBAPC Rookie of the Week bilang unang freshman na naging Best Player of the Game sa likod ng kanyang 15 puntos sa 70-68 panalo kontra sa Northport.

*REFEREE na mali ang tawag, pauuwiin na-- Palalabasin ni Commissioner Willie Marcial ng PBA bubble ang referee na si Sherwin Pineda matapos ang krusyal na maling tawag sa mainit na laban ng Northport at Rain or Shine kamakalawa.

“Pauuwin ko na. Maling tawag. ‘Di ko matatanggap ‘yung tawag na ‘yun,”  ani Marcial matapos ang kontrobersyal na tawag na pinag-usapan online.

May dalawa pang game officials na nasuspinde at napatawan ng multa dahil din sa mga maling tawag.

***FAJARDO VIRTUAL FAN-- Hindi man nakasama sa bubble bunsod ng iniindang shin injury, ipinakita pa rin ni six-time MVP June Mar Fajardo ang suporta sa San Miguel na naging isa sa mga virtual fan kamakalawa suot ang kumpletong uniporme.

 

 

vuukle comment

RR POGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with