Spence humirit kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Ngayong mainit ang usapin sa paghaharap nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor, humihirit din si Errol Spence na makalaban ang Pinoy champion sa susunod na taon.
Alam ni Spence na hindi na magtatagal ang 41-anyos na si Pacquiao sa boxing dahil patapos na ang career nito. Kaya naman nais niyang maikasa ang laban sa isang legendary boxer na si Pacquiao bago man lamang ito magretiro sa professional boxing.
Para kay Spence, isang malaking karangalan ang makasagupa ang tulad ni Pacquiao na tunay na hinahangaan sa buong mundo dahil sa tagumpay na tinamasa nito. “He’s on his way out, so I’d love to have that fight,” ani Spence sa panayam ng Bad Left Hook.
Tinawag pa ni Spence si Pacquiao bilang isang “living legend” dahil malaki ang kontribusyon nito para mas lalo pang pasikatin ang boxing sa mundo.
“Pacquiao has been in the sport 20-something years, he’s an icon even outside the sport. Everybody knows who Manny Pacquiao is. ,” dagdag ni Spence.
- Latest