^

PM Sports

Painters 3-0 na rin

Russell Cadayona - Pang-masa
Painters 3-0 na rin

MANILA, Philippines – Hindi pa rin maawat ang mga Elasto Painters sa loob ng PBA ‘bubble’.

Nagsalpak si guard Rey Nambatac ng dalawang krusyal na free throws sa huling 1.3 segundo para tulungan ang Rain or Shine na maitakas ang 70-68 panalo laban sa NorthPort sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Tumapos si Nambatac na may 10 points, habang tumipa si rookie Adrian Wong ng team-high 15 markers.

“Today it was an ugly game for us. I think that we can do better. We just have to review what went wrong,” sabi ni coach Caloy Garcia.

Bumangon ang Elasto Painters mula sa 13-point deficit sa second quarter para ilista ang ikatlong sunod na panalo na nagtabla sa kanila sa TNT Katropang Giga para sa liderato sa magkatulad nilang 3-0 kartada.

Nalasap naman ng Batang Pier ang kanilang pa-ngatlong dikit na kamalasan.

Mula sa 42-38 abante ng Rain or Shine sa third quarter, nakabawi ang Batang Pier at itinabla ang laro sa 48-48 sa pagsilip ng final canto.

Muling bumanat ang Rain or Shine ng 15-4 pananalasa tampok ang 3-point play ni Nambatac at triple ni Wong para ilista ang 63-52 bentahe sa 5:15 minuto ng laro.

Ang dalawang sunod na tres ni big man Kelly Nabong at suporta nina Christian Standhardinger at Anthony ang nagtabla sa NorthPort sa 68-68 sa natitirang 3.3 segundo.

Ang dalawang free throws ni Nambatac ang naglayong muli sa Elasto Painters sa 70-68 sa natitirang 1.3 segundo para sa final score.

 

vuukle comment

ELASTO PAINTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with