_pang-masa
^

Mahihirapan ang SMBeer

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 19, 2020 - 12:00am

CLARK, Philippines – Hindi magiging madali pero lalaban pa rin ang San Miguel sa kabila ng pilay na roster upang madepensahan ang tronong hawak nila ng limang sunod na taon.

Wala na sina June Mar Fajardo at Matt Ganuelas Rosser pagpasok ng bubble, nalagasan pa uli ang Beermen sa pagkawala ni Terrence Romeo bunsod ng dislocated right shoulder injury.

“Unfortunately, nangyari ito. Right now we’re trying to figure it out kung anong mga adjustment ang gagawin namin dahil talagang inferior na ‘yung lineup namin compared sa other teams,” ani coach Leo Austria sa pagtodo ng SMB practice kahapon.

*RACAL NANOOD NA LANG- Maging ang season-ending ACL injury ay ‘di nakapigil sa kagustuhan ni Kevin Racal na suportahan ang Alaska kaya nanood ito sa sidelines sa 87-81 panalo ng Aces kontra sa Magnolia.

Nasa loob pa rin ng PBA bubble si Racal sa nga-yon, ayon kay Aces mentor Jeff Cariaso. “Scheduling, we honestly don’t know yet. He wants to stay, he wants to support his teammates. But we want to make the right and smart decision, because with an injury like that, the faster you get your surgery, the sooner you’ll return,” aniya.

*IBAÑES Team Manager MUNA ng PAINTERS-Ang beteranong manlalaro at coach na si Jireh Ibañes muna ang nagsisilbing team manager ng Rain or Shine sa loob ng PBA bubble.

“He’s part of the coaching staff but inside the bubble, he has been given by governor Atty. Ma-merto Mondragon the responsibility to take care of the team,” ani coach Caloy Garcia.

*THOMPSON PATOK SA YOUTUBE- Lalong pumatok ang Youtube channel ni Scottie Thompson ng Barangay Ginebra dahil sa  kanyang vlogs tungkol sa mga kaganapan sa loob ng PBA Bubble.

Lagpas 120,000 na ang subscribers ng 4-time PBA champion at plano niyang i-donate ang mga kikitain sa kanyang channel sa mga kapwa nangangarap na manlalaro sa hometown niya sa Davao Del Sur.

 

 

SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with