Ika-2 ng Elite
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa dikitang first half ay kumamada ang Elite sa third period para ihulog ang Road Warriors sa ikatlong sunod na kamalasan.

Nagtuwang sina guards Roi Sumang at Ed Daquioag sa third quarter para tulungan ang Blackwater sa 98-88 pagbaklas sa NLEX sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Ito ang ikalawang panalo ng Elite sa tatlong laro habang nalaglag sa 0-3 ang Road Warriors.

Umiskor sina Nino Canaleta at Don Trollano ng tig-18 points para pamunuan ang tropa ni coach Nash Racela habang nagdagdag sina Sumang at Daquioag ng 13 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

“Hindi kami malalaki, so nag-usap-usap kami na tutulong kami lahat sa rebounds pati mga guards, kaya naging successful kami ngayon,” sabi ni Canaleta.

Nagtabla sa halftime, 46-46, humataw ang Blackwater ng 16-4 atake sa likod nina Sumang at Daquioag para iposte ang 12-point lead, 62-50 laban sa NLEX na kanilang pinalobo sa 81-61 buhat sa drive ni Mike Tolomia sa hu-ling 42 segundo ng third period.

Tuluyan nang ibinaon ng Elite ang Road Warriors sa 90-67 matapos isalpak ni big man Frank Golla ang isang three-point shot sa 8:32 minuto ng final canto.

Ilang beses nagpilit makalapit ang NLEX sa likod nina rookie Mike Ayonayon at Kevin Alas ngunit naroon si Don Trollano para ilayo ang Blackwater sa 93-69 sa huling 6:17 minuto ng laro.

Pinamunuan ni Ayonayon ang Road Warriors sa kanyang 20 points habang kumolekta si Kiefer Ravena ng 15 points, 8 rebounds, 7 assists at 4 steals.

 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with