Romeo kailangang maoperahan
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

CLARK, Philippines — Nadagdagan ang dagok ng reigning champion San Miguel Beer matapos magtamo ng right shoulder injury si Terrence Romeo sa 88-107 kabiguan ng Beermen kontra sa TNT Tropang Giga kamakalawa ng gabi sa 45th Season Philippine Cup restart dito.

Ayon kay head coach Leo Austria, mawawala si Romeo ng 6-8 linggo at ‘di na makakalaro sa bubble lalo’t pinaiksi lamang sa dalawang buwan ang All-Filipino tourney.

“I talked to him last night and the doctor told him na 6-8 weeks ang healing time. I think hindi siya magpapa-opera dahil operation naman is to shorten the healing process. He opted for natural healing,” ani Austria.

Nakuha ni Romeo ang injury nang makabangga si Ryan Reyes sa second quarter. Dinala siya agad sa kalapit na Medical City at nananatili muna ngayon sa bubble suot ang arm sling.

Sasamahan ni Romeo si June Mar Fajardo (shin injury) sa listahan ng mga injured na Beermen na ala-nganin ngayon sa 1-2 karta.

*DAY-TO-DAY SI POGOY- Day-to-day naman ang sitwasyon ni RR Pogoy na nagkaroon ng sore sprained ankle matapos malandingan ang paa ni Gelo Alolino ng SMB.

*MONTALBO KAMPEON NG VIRTUAL 3-point shootout-  Kahit may injury sa plantar fasciitis talampakan), nagawa pa ring mag-champion ni Kib Montalbo ng TNT sa PBA 3-point Shootout Charity Virtual Tournament.

 

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with