Gastos sa 30th SEA Games ipinalilista ng POC sa PHISGOC
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinasusumite kaagad ng pitong miyembro ng 13-man Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang audited financial statements sa mga gastos sa nakaraang 30th SEA Games.

“Our group understands how alarmed the General Assembly is on this matter and the longer this takes casts doubt on how these funds were utilized,” sabi ng ng mga POC Board members na sina POC chairman Steve Hontiveros, first vice president Jose Romasanta, second vice president Col. (ret.) Antonio Jeff Tamayo, Treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go at board members Atty. Jesus Clint Aranas at Robert Mananquil.

Si Aranas ng archery ang lalaban kay incumbent president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling para sa presidency ng POC sa Nobyembre 27.

Sinabi kamakalawa ni PHISGOC Inc. president at Chief Operating Officer (COO) Ramon Suzara na P1.481 bilyon at hindi P6 bilyon ang natanggap ng PHISGOC mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa hosting ng 2019 SEA Games at ang natitirang P4.52 billion GAA2019 budget ay ipinasok sa Department of Budget Management (DBM) Procurement Service, sa POC at sa PSC para naman sa equipment at services sa SEA Games.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano, dating estudyante ni Suzara sa De La Salle-Zobel, ang chairman ng PHISGOC na siyang namahala at nagpatakbo sa 2019 SEA Games sa isang kasunduang nilagdaan nito noong Agosto 15, 2019 kasama ang POC at PSC.

“The tripartite agreement obligates PHISGOC to submit to the PSC and the POC the financial reports and make available all records and documents related to the SEAG,” wika ng grupo ni Aranas.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with