_pang-masa
^

Gin Kings vs Road Warriors minus Ginebra fans

Russell Cadayona (Pang-masa) - October 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa mga nakaraang taon ay naging tradisyon na para sa Barangay Ginebra ang makita ang kanilang mga ‘die-hard’ fans sa venue.

Ngunit mag-iiba ito ngayon sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup sa Oktubre 11 sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ito ay dahil lalaruin ang torneo sa closed-door na AUF Gym bilang pagsunod sa ipinatutupad na health and safety protocols sa PBA ‘bubble’ sa Clark Freeport Zone.

Wala ring makakalapit na mga fans dahil naka-lock-in ang buong delegasyon kasama ang mga staff ng Quest Hotel.

Sa reopening day ng torneo sa Linggo ay lalabanan ng Ginebra ang NLEX sa ganap na alas-6:45 ng gabi matapos ang bakbakan ng TNT Ka­tropa at Alaska sa alas-4 ng hapon.

Kailangang masanay ang Gin Kings na wala ang kailang ‘Sixth Man’ sa laro na mga taga-Baragay na malaking tulong sa kanilang mga laro noong normal pa ang lahat.

Intact na line-up ang isasabak ng Ginebra na makukumpleto pagpasok sa bubble nina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with