May isang taong pinasaya si Alyssa
May isang taong pinasaya si Alyssa
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit sa gitna ng pandemya, huwag nating kalimutang magpangiti ng iba.

Ganyan ang mantra na isinabuhay ni Pinay volleyball superstar Alyssa Valdez nang supresahin niya ng bisikleta ang isa sa mga game officials ng volleyball.

Sa mahigit dalawang minutong video na shinare  ni The Phenom sa Instagram, ipinasilip niya ang pagsorpresa kay kuya Llyod - isang ball retriever.

“Dahil nga po ‘Ber’ months na, magbibigay tayo ng ligaya sa mga kasamahan natin sa volleyball. At ngayon ay pupunta po tayo kay kuya Lloyd isa po siyang ball retriever at dahil wala pa nga pong volleyball, naghahanap siya ng pagkakakitaan. Sana makatulong ‘yung ibibigay nating surpresa sa kanya,” sabi ng national team stalwart.

Nagulat si Lloyd sa natanggap niyang early Christmas gift mula sa three-time Premier Volleyball League (PVL) MVP na maaring makatulong sa kanya araw-araw.

Naghihintay pa rin ng go-signal mula sa IATF ang dalawang volleyball leagues sa bansa na PVL at PSL para sa kanilang pagbabalik-aksiyon.

 

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with