Lakers nakauna
Lakers nakauna
(Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Bago pa man magsimula ang NBA Finals ay paborito nang manalo ang Los Angeles Lakers laban sa Miami Heat at pinatotohanan ito nina Anthony Davis at LeBron James.

Humataw si Davis ng 34 points sa kanyang finals debut habang kumolekta si James ng 25 points, 13 rebounds at 9 assists para sa 116-98 pagsagasa ng La-kers sa Heat sa Game One ng kanilang best-of-seven championship series kahapon dito sa NBA bubble.

Nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 13 points at may 11 at 10 markers sina Danny Green at Alex Caruso, ayon sa pagkakasunod para sa Los Angeles na nakabalik sa NBA Finals matapos ang isang dekada.

“We kind of picked it up on both ends of the floor,” pahayag ni Davis.

Nilabanan naman ni Jimmy Butler ang pagkakaroon niya ng twisted left ankle para pamunuan ang Miami sa kanyang 23 points.

Nawala sa halftime si Heat veteran point guard Goran Dragic matapos magkaroon ng left foot injury at lumabas si All-Star center Bam Adebayo sa third quarter dahil sa problema sa kaliwang balikat.

Nag-ambag si Kendrick Nunn ng 18 points para sa Miami at may 14 at 12 markers sina rookie Tyler Herro at Jae Crowder, ayon sa pagkakasunod.

Nagdomina ang La-kers sa rebounding, 54-36, at nagtala ng 32-point lead sa pagrapido sa Heat.

Sinimulan ng Los Angeles ang third quarter sa pamamagitan ng 18-3 atake mula sa 65-48 halftime lead na hindi na nasagot ng Miami.

LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with