^

PM Sports

Protocols para sa collegiate training buo na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malapit nang ma-finalize ng Commission on Higher Education (CHED) Technical Working Group (TWG) ang guidelines para sa pagbabalik-ensayo ng mga collegiate teams sa gitna ng pandemya na tuluyang tatapos sa mga issue sa mga tagong training.

Ayon kay CHED chairman Prospero De Vera, natapos na ng TWG ang guidelines at protocols subalit dadaan pa sa public consultation kasama ang mga universities at collegiate leagues sa bansa bago maging opisyal na memo.

“It’s ready for public consultation. It’s already approved by the Commission en bacn yesterday,” aniya.

Matapos ang public consultation, paplantsahin na lamang ng CHED ang anomang amendments o dagdag na rekomendasyon.

Kailangan itong pirmahan ni De Vera upang maging pormal na CHED Memorandum Order (CMO) na magbibigay-daan sa collegiate training resumption matapos ang ilang buwang pahinga simula pa noong Marso.

Nauna nang binigyan ng Inter-Agency Task Force ng go-signal ang collegiate sports noong nakaraang buwan subalit ipinaubaya sa CHED ang paghabi ng guidelines bilang governing body ng tertiary institutions sa bansa.

Samantala, absuwelto naman si da-ting University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo sa anomang paglabag ng quarantine protocols matapos ang di-umano’y training bubble  ng UST men’s basketball team sa kanyang ba-yan sa Capuy, Sorsogon.

Ayon sa imbestigasyon ng Sorsogon PNP na pinagtibay ni Governor Chiz Escudero, ang naging aktibidad ng Growling Tigers sa Sorsogon ay alinsunod sa alintuntunin ng IATF at ng probinsya at walang naging violation sa pamamalagi nila roon.

Nauna nang nagbitiw si Ayo sa UST bago pinatawan ng indefinite ban ng UAAP Board.

 

vuukle comment

CHED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with