^

PM Sports

FIBA Asia Cup Qualifier bubble sa Clark din?

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mamatyagang maigi ng International Basketball Federation (FIBA) ang ‘bubble’ ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Clark, Pampanga para sa posibilidad na maging modelo ng gaga-wing FIBA Asia Cup Qualifiers bubble.

Ito ay ayon mismo kay PBA Commissioner Willie Marcial na inaming isa ang FIBA sa mga matang aantabay sa idaraos na Philippine Cup bubble tournament sa Clark Freeport Zone sa gitna ng pandemya.

“Ang balita ko, tinitingnan tayo ng FIBA kung paano i-implementa ang bubble. Kapag naging successful, baka gamitin din ang Clark. Iyon ang balita ko,” ani Marcial sa ginanap na press conference sa bubble venue na Quest Hotel.

Matapos maantala noong Marso, inanunsyo kamakailan ng FIBA ang pagbabalik-aksyon nito simula sa November window na gagawin din sa loob ng bubble.

Ayon sa mga ulat ay posibleng Thailand ang maging host ng naturang window para sa Group A na kinabibilangan ng South Korea, Indonesia at Gilas Pilipinas subalit wala pang pinal na petsa at lugar na pagdarausan nito.

Nananatiling bukas ang FIBA sa mga options na posibleng mapunta sa Clark kung magiging matagumpay at ligtas ang PBA bubble doon simula sa Oktubre 11.

Siniguro rin nina BCDA president Vince Dizon at Clark Development Corporation chief Noel Manankil na naging katuwang ng PBA sa Clark bubble plan na handa sila kung opisyal na ikunsidera ng FIBA ang Pinas para maging venue.

Kasalukuyan pang hinihintay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pinal na detalye ng FIBA Asia Cup Qualifiers bubble bago planuhin ang hakbang sa team roster, coaching staff at training.

Nauna nang siniguro ng PBA na makakaasa ng buong suporta ang SBP para sa kampanya ng Gilas Pilipinas katulad ng naging commitment nito sa mga nakaraang international tourneys gaya ng 2019 FIBA World Cup at 30th Southeast Asian Games.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with