Paborito ang Lakers pero may laban ang Heat
(Pang-masa) - September 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Paboritong manalo ang Los Angeles Lakers laban sa Miami Heat sa NBA Finals.

Gayunpaman, may mga  taglay na matchup challenges ang Heat, simula kay Bam Adebayo laban kay Anthony Davis, lagi ring tsini-check ni Jimmy Butler si LeBron James habang panlaban din sa shooting sina Tyler Herro at Duncan Robinson kaya siguradong mahihirapan ang Lakers.

Sa mga tayaan ng pustahan sa US, -400 favorite ang Lakers at +320 ang Miami.

Ngunit marami ang sumusuporta sa Miami kaya nagbabago ang takbo ng pustahan.

Sa mga nagdaang araw, mas marami na ang pumupusta sa Miami kaya naging -450 na ang Lakers at -360 ang Heat.

Bibitbitin ni James sa best-of-seven titular showdown na magsisi­mula bukas ang kanyang walong sunod na finals appearances.

Samantala, ilang oras matapos ihayag ni vete-ran coach Doc Rivers na hindi na siya babalik sa Los Angeles Clippers ay kaagad nagparamdam ng interes sa kanya ang Phi-ladelphia 76ers at New Orleans Pelicans.

Nabigo si Rivers na maigiya ang Clippers papasok sa Western Conference finals makaraang isuko ang 3-1 lead laban sa Denver Nuggets.

 

 

HEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with