1st batch nasa Clark na
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang Magnolia, Phoenix, TNT Katropa, Terra Firma at Meralco ay ang San Miguel, Barangay Ginebra, Rain or Shine, Alaska, NLEX, NorthPort at Blackwater naman ang nakatakdang magtungo ngayon sa Clark, Pampanga.

Ito ay para sa kanilang two-week scrimmage sa Angeles University Foundation (AUF) gym  para sa pagbabalik ng 2020 PBA Philippine Cup sa Oktubre 11 sa Clark Freeport ‘bubble’.

Diretso ang mga players, coaches at team staff ng Hotshots, Fuel Masters, Tropang Giga, Dyip at Bolts sa Quest Hotel na siya ring gagawin ng mga Beermen, Gin Kings, Elasto Painters, Aces, Road Warriors, Batang Pier at Bossing.

Nauna nang sumailalim ang mga koponan sa swab testing noong Setyembre 23 at 24 at nag-isolate ng limang araw  bago bumiyahe patungong Clark.

Ilan lamang ito sa mga mandatory protocols na ipinatutupad ng PBA para matiyak na magi-ging matagumpay ang kanilang ‘bubble’ na ginaya sa National Basketball Association (NBA).

Pagdating nila sa Quest Hotel ay muling sasalang sa COVID-19 test ang mga players at team personnel kasunod ang 24-hour isolation sa kanya-kanyang kuwarto.

“Two in a room sila hindi kagaya sa NBA na isang player, isang room lang,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial.  “So dapat mag-usap-usap sila kung sino ang gusto nilang kasama sa room.”

Ang mga magne-negatibo ay papayagang sumabak sa scrimmages, habang ang magpopositibo ay dadalhin naman agad sa isang isolation facility.

Ilang players ang hindi makikita sa loob ng ‘bubble’ kagaya ni five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na may shin injury.

Samantala, may tsansa pang mapasama si Calvin Abueva sa Phoenix, ayon kay Marcial.

“Hindi pa kasi siya natatapos sa requirements. Kapag natapos niya na iyong requirements, usap kami,” wika ni Marcial kay Abueva na hindi pinayagan ng PBA na maisama sa 25-man roster ng Fuel Masters.

 

 

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with