^

PM Sports

PVL, PSL atat nang makabalik sa aksyon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gaya ng basketball at football leagues, umaasa ang Philippine Superliga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) na makaka-balik-aksyon na rin ito matapos ang ilang buwang pagkakatengga bunsod ng COVID-19 pandemic.

Bagama’t nakadepende pa sa go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF), plano ng PVL na mag-restart sa Enero habang target ng PSL na makapagdaos ng beach volleyball tournament sa Nobyembre.

Ayon kay Sports Vision president Ricky Palou na nag-oorganisa ng PVL at Spiker’s Turf, posibleng hindi na sila makapagsagawa ng anomang torneo ngayon kaya’t sa unang bahagi na ng 2021 ang pinakamalapit na posibleng re-opening.

Dahil naman sa mas kumplikadong indoor tourney, beach volleyball na lamang ang posibleng idaos ng PSL sa ikatlong linggo ng Nobyembre ayon kay president Dr. Ian Laurel.

Upang mas maraming koponan ang makasali, papayagan ng PSL ang dalawa hanggang tatlong beach volleyball teams mula sa walong member clubs nito habang bukas din sila sa PVL teams na sumali.

Gagamit din sila ng bubble set-up gaya ng PBA kung saan lalarga ang PVL sa Clark, Pampanga habang tutungo naman ang PSL sa Subic sa Zambales na pinagdausan ng beach volley games sa nakaraang 30th SEA Games.

Nauna nang nagpasa ng request ang PVL, PSL kasama pa ang isang amateur league na MPBL sa IATF upang payagan ang pagbabalik training.

 

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with