Lakers sa finals
LeBron James
Lakers sa finals
(Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Hindi na hinayaan ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers na makahirit ang Denver Nuggets.

Inilista ni James ang kanyang ika-27 postseason triple-double para pamunuan ang Lakers sa 117-107 pagsibak sa Nuggets sa Game Five ng kanilang Western Conference finals series kahapon sa NBA bubble.

Tinapos ng Los Angeles ang kanilang serye ng Denver sa 4-1 papasok sa NBA Finals sa unang pagkakataon matapos ang isang dekada.

Lalabanan nila sa NBA Finals ang mana-nalo sa semis showdown ng Miami Heat at Boston Celtics.

“My teammates said bring us home and it was my responsibility to try to make the right plays and do the right things on the floor to help us win ballgames,” sabi ni James sa trophy presentation sa Disney World.

Tumapos si James na may 38 points, 16 rebounds at 10 assists para maging ikaapat na player na maglalaro sa kanyang ika-10 NBA Finals.

Nagdagdag si Anthony Davis ng 27 points na maglalaro sa kanyang unang NBA Finals.

“We battled through a lot this year starting with the beginning of the season and we know the job’s not done,” wika ni Davis sa Lakers. “It’s a great feeling but we’ve got four more to win.”

Tumipa si center Nikola Jokic at Jerami Grant ng tig-20 points para sa Nuggets habang nagtala si guard Jamal Murray ng 19 points at 8 assists.

Mula sa 84-all, ang magkasunod na basket ni James ang naglayo sa La­kers sa 95-88  l bago mu­ling nakadikit ang Nuggets sa four-point deficit.

Nagsalpak si Danny Green ng tres mula sa ika-10 assists ni James para ilagay ang Los Angeles sa  komportableng 108-99 bentahe.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with