Pinasok na rin ni Alyssa ang pagbo-boxing
Alyssa Valdez kasama ang boxing trainer at coach na si Pablo Gabunia.
Pinasok na rin ni Alyssa ang pagbo-boxing
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa volleyball, mukhang papasukin na rin ni The Phenom Alyssa Valdez ang pagboboksing.

Sa Instagram story na pinost ng Philippine national women’s volleyball team stalwart, ipinasilip niya ang kanyang mitts drill kasama ang boxing trainer at coach na si Pablo Gabunia.

Ipinakita niyang may potensiyal din siya sa boxing sa kanyang bilis at lakas sa pagsuntok.

Kung ‘di pa makakabalik ang volleyball, may iba nang sport na puwedeng puntahan si Valdez, three-time Premier Volleyball League (PVL) MVP.

Bukod sa mga volleyball drills at exercises na ginagawa ni Alyssa sa bahay, isinama na rin niya ang  boxing para manatili sa kondisyon habang wala pang nangyayaring aksiyon sa volleyball.

Anim na buwan na  mula nang matigil ang aksiyon sa volleyball  at iba’t ibang paraan ang ginagawa ni Valdez para manatili sa kondisyon. Mayroon siyang mga volleyball drill na ginagawa sa kanilang garahe kasama ang boyfriend na PBA player na si Kiefer Ravena ng NLEX.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with