Tony’s Love hari ng PHILRACOM 3YO Imported/Local Challenge
Nilda Moreno (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigo ng Tony’s Love ang liyamadong Sky Candy upang maghari sa 2020 PHILRACOM “1st Leg 3YO Imported/Local Challenge kahapon sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Nagmasid muna ang Tony’s Love sa bandang likuran habang bumabandera ang American Factor na sinusundan ng Spuntastic at Wish Afan A Star.

Walang pagbabago sa puwesto papasok ng huling kurbada pero sumasagitsit mula sa likuran ang Tony’s Love na nirendahan ni apprentice rider Pabs Cabalejo.

Nagkapanabayan ang apat na nabanggit na kabayo sa rektahan kung saan nasa unahan pa rin ang American Factor pero inagaw ng winning horse ang bandera sa huling 50 metro ng laban.

Isang kabayo ang lamang ng Tony’s Love pagtawid ng meta sa pumangalawang American Factor.

Nasilo ng Tony’s Love ang P600,000 na premyo habang P225,000 ang nakopo ng American Factor sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). Dumating na tersero ang Spuntastic habang pumang-apat ang Indy Bell. 

May distansyang 1,600 meter ang karera, lupaypay ang balikat ng mga kareristang nakataya sa liyamadong Sky Candy.

Samantala, nagwagi naman ang Victorious Colt sa 2020 PHILRACOM 4-Year-Old & Above Stakes Race sakay si Class A jockey O’Neal Cortezpara sa P300,000 premyo.

 

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with