^

PM Sports

Chabi Yo mananatili sa UST

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinili ni UAAP MVP Soulemane Chabi Yo na manatili sa University of Santo Tomas sa kabila ng Sorsogon bubble controversy at pagkalagas ng koponan sa pag-alis ng walong manlalaro.

Inihayag ni Yo ang suporta sa rebuilding ng Growling Tigers sa pa-ngunguna ng bagong talagang athletics director na si Fr. Rodel Cansancio, OP.

“Growling Tigers until the end,” ani Cansancio sa kanyang unang pahayag bilang bagong UST – Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) director kasama ang ilang natitirang Growling Tigers sa pangugnguna ni Chabi Yo.

 Stay-put din sina vete-ran big man Dave Ando at mga Team B players na sina Jonathan Gesalem at Christian Manaytay na inaasahang ta-trangko sa Growling Tigers.

Nauna nang ipinahayag nina Sherwin Concepcion at transferee Bryan Santos mula sa TIP na mananatili rin sila sa España squad.

Bukod sa UAAP indefinite ban ni dating head coach Aldin Ayo halos maubos ang UST sa pag-alis nina CJ Cansino, Mark Nonoy, Deo Cuajao, Rhenz Abando, Ira Bataller, Jun Asuncion, Brent Paraiso at Bismarck Lina.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with