âDi pa sumuko ang Boston
‘Di pa sumuko ang Boston
(Pang-masa) - September 27, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Ayaw pa ni big guard Jayson Tatum at ng Boston Celtics na lumabas ng NBA bubble.

Kumamada si Tatum ng 31 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Jaylen Brown ng 28 points para tulungan ang Celtics na ’di masibak agad ng Miami Heat sa kanilang 121-108 sa Game Five ng kanilang Eastern Conference finals series kahapon.

Gayunpaman angat pa rin ang Miami sa 3-2 kontra sa Boston sa kanilang best-of-seven duel at maaari nilang tapusin ang serye sa Game Six bukas.

Humataw ang Celtics sa third period kung saan umiskor si Tatum ng 17 markers para makabangon mula sa 12-point deficit sa first half at kunin ang 14-point lead laban sa Heat papasok sa fourth quarter.

“In all sincerity, first time I’ve seen Celtics basketball in the last few games,” wika ni Boston head coach Brad Stevens matapos ang isang time-out.

Nagtala si center Daniel Theis ng 15 points at 13 rebounds para sa Celtics habang may 15, 12 at 10 markers sina Kemba Walker, Marcus Smart at Gordon Hayward, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Goran Dragic ang Miami sa kanyang 23 points kasunod ang 20 markers ni Duncan Robinson.

Nag-ambag si Jimmy Butler ng 17 points at may tig-14 sina Tyler Herro at Jae Crowder at  13 kay Bam Adebayo para sa Heat.

Umiskor ang Boston ng 41 points sa kabuuan ng third quarter kumpara sa 25 lang ng Miami ni Fil-Am coach Erik Spoelstra na may limang rebounds lamang sa nasabing yugto laban sa 16 ng tropa ni Steven.

BOSTON CELTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with