^

PM Sports

Full bubble na rin ang Chooks-to-Go 3x3

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Full bubble set-up na rin ang gagamitin ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 para sa nalalapit nitong 2020 President’s Cup matapos hindi payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang  requerst nilang semi-bubble.

“We are committing to doing a full bubble with each conference taking place inside Inspire Academy for 15-21 days,” ani league owner Ronald Mascariñas.

Sa ilalim ng mahigpit na protocols, nauna nang inirekomenda ng Chooks ang semi-bubble concept kung saan tatagal ng apat na araw sa bawat leg ang mga partisipante sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Subalit hindi ito pumasa sa IATF, partikular na sa Department of Health na sinabing anomang torneong papayagan ay sa istriktong bubble lang dapat ganapin.

Binubuo ng limang leg ang Chooks President’s Cup na dire-diretso na nga-yong gagawin sa Calamba bubble.

Nakatakda sana ang opener ng Presi-dent’s Cup sa Oktubre 2 subalit mauurong ito dahil kailangan pang kumuha ng clea­rance sa mga key government agencies.

Nauna nang bumilib sina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra at Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera sa paghahanda ng Chooks para sana sa semi-bubble tourney nito.

Sa ilalim ng mga preparations ay ang weekly PRC tests (swab) sa lahat ng manlalaro bago ang laro bukod pa ang antigen test sa kada-training.

Required din ang lahat na magkaroon ng GET Philippines’ contact tra­cing application dagdag pa sa regular na disinfection at temperature checks bago at pagkatapos ng mga laro.

Ang Chooks 3x3 ang ikalawang pro-league na magdaraos ng torneo sa full bubble setting kasunod ng PBA na nakatakdang buksan ang dalawang buwang 2020 Philippine Cup sa Oktubre 11 sa Clark, Pampanga.

 

vuukle comment

CHOOKS-TO-GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with