Lakers lumaPit sa NBA finals
(Pang-masa) - September 26, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Fla — Inilapit ng Los Angeles Lakers ang kanilang mga paa pabalik sa NBA Finals matapos humataw si Anthony Davis ng 34 points at may 26 markers si LeBron James para sa 114-108 paggupo sa Denver Nuggets sa Game Four ng kanilang Western Conference finals series.

Nakabawi ang Lakers sa kabiguan sa Game 3 para sa 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven series ng Nuggets.

Maagang nag-init ang mga kamay ni Davis habang naging malagkit naman ang depensa ni James kung saan pinuwersa niya si Denver star guard Jamal Murray sa mga mahihirap na tira.

Naglista rin si James ng 9 rebounds at 8 assists para sa Lakers, nakahugot ng 12 offensive rebounds para sa kanilang 25-6 second-chance points laban sa Nuggets.

Nalagay ang Denver sa bingit ng pagkakasibak sa pang-pitong pagkakataon sa loob ng NBA bubble.

Nauna nang nabaon ang Nuggets sa 1-3 kontra sa Utah Jazz sa first round at laban sa Los Angeles Clippers sa West semifinals.

Pipilitin ng Lakers, may 16 championships, na makabalik sa NBA Finals sapul nang magkampeon noong 2010.

Isinama ng Los Angeles si veteran center Dwight Howard sa starting five at naglista ng 12 points at 11 rebounds at inilagay si Denver slotan Nikola Jokic sa foul trouble.

Tumapos si Murray na may 32 points bukod pa sa 8-assists.

 

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with