^

PM Sports

Maghihigpit sa Clark bubble

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi basta-basta makakapasok ang sinuman sa loob ng PBA ‘bubble’ sa Clark Freeport sa Pampanga.

Matapos ang mandatory swab testing noong Huwebes at Biyernes ay kailangan ring mag-quarantine ng limang araw ang mga players, coaches, at iba pang team personnel sa kanilang bahay bago magtungo sa ‘bubble’.

“This is to ensure that they don’t get in contact with anybody before they enter the bubble,” wika ni Vince Dizon, ang president at CEO ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at deputy chief implementer ng National Action Plan against COVID-19.

Pagdating sa Clark, panibagong swab testing na naman ang lahat ng kasama sa delegasyon at kailangang mananatili sa kani-kanilang mga kuwarto ang lahat sa loob ng 24 oras habang hinihintay ang resulta.

Kung walang magpopositibo,  puwede nang mag-5-on-5 scrimmage sa Angeles University Foundation (AUF) facilities na magiging practice at game venue ng bubble. Ang PBA delegation ay titira sa Quest Hotel sa Mimosa.

Kamakalawa ay binigyan ng provisional approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang PBA para sa kanilang ‘bubble’ sa Clark patungo sa pagbabalik-aksyon sa Oktubre 11. Bibiyahe ang 12 teams ng dalawang batch pa-Pampanga sa Lunes at Martes.

 Ang sinumang magpopositibo sa COVID-19 ay kaagad palalabasin ng ‘bubble’ diretso sa inihandang isolation facility.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na ang sinumang lalabas ng ‘bubble’ ay hindi na makakabalik sa loob kahit na family emergency ang dahilan. Ang papayagan lamang lumabas ng ‘bubble’ ay ang mga injured players at eliminated teams.

Multang P100,000 bukod pa sa pagkawala ng one-month salary at five-game suspension para sa susunod na season ang parusa sa mga lalabag sa health at safety protocols.

 

vuukle comment

CLARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with