^

PM Sports

Gilas suportado pa rin ng PBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makakaasa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng buong suporta mula sa Philippine Basketball Association (PBA) para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa pagpapatuloy ng natitirang windows ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Iyan ang siniguro ni PBA Commissioner Willie Marcial sa gitna ng mga pangamba na mapipilayan ang national team dahil sa inaasahang paglarga ng dalawang buwang 2020 Philippine Cup restart sa October 11 sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.

“Ang mga PBA team owners at ang PBA ay nanati-ling committed na suportahan ang Gilas,” ani Marcial.

Matapos maantala ng ilang buwan bunsod ng pan-demya, inanunsyo kamakailan ng FIBA ang pagdaraos ng bubble qualifiers sa Nobyembre na posibleng ganapin sa Thailand at ang susunod na window ay sa Pebrero.

Ayon kay Marcial, tanging ang February qualifiers pa lang ang nabanggit ni SBP president Al Panlilio kaya’t iniurong ng PBA ang opening ng susunod na season sa Marso subalit tiniyak  pa rin ang all-out PBA support.

“Ang binanggit sa amin ni SBP president Al Panlilio ay February, and we’re committed to that. Walang pagbabago sa commitment ng PBA sa SBP at Gilas.” “Yun pa rin ang sinasabi ng team owners, governors. Kung ano ang kailangan ng SBP, kung ano maitutulong namin, ibibigay ng PBA. All-out support pa rin kami, one hundred percent.”

Inaasahang muling mag-uusap ang PBA at SBP para sa kapakanan ng Gilas sa pagpapatuloy ng laban nito hawak ang 1-0 kartada sa Group A ng qualifiers kasama ang Thailand, Indonesia at South Korea.

Sa unang window qualfiiers noong Pebrero, kabilang sina PBA players CJ Perez, Kiefer Ravena, JP Erram, RR Pogoy at Troy Rosario sa Gilas team kasama ang mga cadets sa kanilang 100-70 panalo kontra sa Indonesia. Interim coach noon si TNT consultant Mark Dickel.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with