^

PM Sports

Libangan sa loob ng PBA bubble

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasama ang Mimosa Golf Course na bubuksan para sa PBA personalities kung hindi mauunsyami ang PBA bubble play sa Clark Freeport Zone.

Kaya swak ang bubble venue choice na ito para sa mga gaya nina Ginebra coach Tim Cone, Blackwater coach Nash Racela, assistant coach Jorge Gallent at ilang players sa pangunguna nina Kiefer Ravena, Jeff Chan at LA Tenorio.

Ang mga ito ay humahataw sa golf course sa kanilang free time sa basketball.

Kaya malamang na kasama ang kanilang golf sets sa kanilang bibitbitin sa pagpasok sa kanilang Clark confinement.

Mababawasan ang inip dahil puwedeng mag-ubos ng oras sa Mimosa sa kanilang break sa laro at practice.

Ayon sa aking mga sources ay isasalang na sa IATF meeting ang PBA plan kahapon.

Tatayo si BCDA chief Vince Dizon upang itulak ang IATF approval. Si Dizon ang isa sa nag-alok sa PBA na dalhin ang bubble play sa Clark.

Isa pang malamang na solid backer kung siguradong maipapatupad ang solidong health protocols ay si Sen. Bong Go na kilalang Ginebra fan at madalas na nasa PBA Commissioner’s Row noon sa kanyang free time.

Ang maaaring tututol ay mga doctor na ayaw ikompromiso ang social distancing at no-physical contact policy.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with