Denver inahon ni Jamal Murray
Denver inahon ni Jamal Murray
(Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Kinailangan ng Denver Nuggets ang dalawang krusyal na three-point shots ni guard Jamal Murray sa final canto para pigilan ang pagbangon ng Los Angeles Lakers at ‘di malubog sa 0-3 sa kanilang serye.

Tumapos si Murray na may 28 points, 12 assists at 8 rebounds para tulungan ang Nuggets sa 114-106 pagresbak sa Lakers at ilapit sa 1-2 ang kanilang Western Conference finals series sa NBA bubble.

Muntik nang mabalewala ang itinayong 20-point lead ng Denver sa fourth quarter bago bumida si Murray para buhusan ng malamig na tubig ang mainit na pagbabalik ng Los Angeles. “We didn’t collapse,” sabi ni Nuggets coach Michael Malone sa kanilang panalo sa Lakers. “We withstood their run, their punch and we had the poise to get ourselves out of it.”

Nagdagdag si Jerami Grant ng playoff career-high na 26 points habang nagtala si center Nikola Jokic ng 22 points at 10 rebounds para sa Denver na pipiliting makatabla sa Los Angeles sa Game Four.

Binanderahan ni Le-Bron James ang Lakers sa kanyang triple-double na 30 points, 11 assists at 10 rebounds at may 27 markers si Anthony Davis, nagsalpak sa buzzer-beating triple sa Game Two.

Itinala ng Denver ang 20-point lead sa 10:30 minuto ng fourth period hanggang nakabangon ang Los Angeles sa inihulog na 19-2 bomba para makadikit sa four-point deficit.

Nagsalpak si Murray ng dalawang tres at may isang dunk si Paul Millsap para ilayo ang Nuggets sa 111-99 sa huling 53 segundo ng laro.

 

 

JAMAL MURRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with