Kondisyon, determinado si John Riel Casimero
Kondisyon, determinado si John Riel Casimero
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang magiging problema si Flilipino world bantamweight champion John Riel Casimero pagda-ting sa araw ng weigh-in para sa kanyang title defense kontra kay challenger Duke Micah ng Ghana.

Sa kanyang pinakahuling workout sa isang gym sa Las Vegas, Nevada ay ipinagyabang ni Casimero ang kanyang mala-bakal na katawan.

“Ngayon ipu-push ko na talaga ito. Kung anuman ang mangyari hindi ko na hahayaang matalo. Gusto kong manalo talaga, kung matalo wala na talaga tayong magagawa,” ani Casimero sa isang online interview.

Walang ibang gustong gawin si Casimero (29-4-0, 20 KOs) kundi ang patulugin si Micah (24-0-0, 19 KOs) sa kanilang bakbakan sa Linggo (Manila time) sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

Dumating na ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist sa Connecticut kasama sina trainer Bones Adams, cutman Stephen Lunas at chief handler Sean Gibbons, ang pangulo ng MP Promotions ni Manny Pacquiao.

Noong Pebrero pa nag-eensayo ang 30-anyos na si Casimero sa Las Vegas para sana sa kanilang unification fight ni World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue (19-0-0, 16 KOs) ng Japan.

Ngunit hindi ito naplantsa dahil sa ilang bagay.

“Kailangan kong maghirap talaga sa ensayo kasi marami akong binitawang salita na baka mapahiya ako,” wika ng tubong Ormoc City, Leyte.

 

JOHN RIEL CASIMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with