Miss na ni Jaja si Maika
Jaja Santiago at Maika Ortiz
Miss na ni Jaja si Maika
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Miss na miss na ni Jaja Santiago ang kanyang girlfriend at kapwa volleyball player na si Maika Ortiz.

Sa Instagram nag-post ang Chery Tiggo Crossover middle blocker ng throwback picture nilang mag-jowa habang nakadapa sa snow  nang pumasyal sila sa Japan at may kakabit itong nakakakilig na caption.

“I have a girl who loves me through fears, trust me through distance and with me on video call every single day. I miss you my love #LDR,” sabi ng 2019 PSL 1st Best Middle Blocker.  Sinagot naman ito ni Ortiz ng simpleng tatlong kiss emoji, na nagpakilig lalo sa mga fans at followers.

Kasalukuyang nasa Japan si Santiago para mu-ling maglaro sa Japan Premier V. League sa ilalim pa rin ng Aego Medics. Ito ang na ikatlong taon ni Jaja sa prestihiyosong liga sa parehong club team. 

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with