PBA bubble sa October 11 pa
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa target restart na Oktubre 9, mauurong sa Oktubre 11 ang posibleng pagbabalik-aksyon ng PBA sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.

Ito ay dahil sa delay ng panibagong round ng CO-VID-19 swab testing ng mga teams na numero unong requirement bago ang pumasok sa bubble kung mabibigyan ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Nauna na ang ibang koponan na sumailalim sa swab test kahapon at nakalinya pa ang iba ngayong araw para sa target na paglarga sa Clark simula sa Setyembre 28.

Orihinal na plano ng PBA na sabay-sabay bibiyahe pa-Clark ang lagpas 300 na league delegation  kabilang ang 12 teams at support staff ngunit ngayon ay kailangang magdalawang batch.

Kailangan muna ring plantsahin ang mga protocols ng Asia’s oldest professional league na dagdag sa naunang training guidelines sa ilalim ng Joint Admi­nistrative Order (JAO) ng Games and Amusements Baord, Philippines Sports Commission at Department of Health.

Naghihintay pa ang PBA sa sagot ng IATF para sa request na scrimmages hanggang sa games resumption sa susunod na buwan.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with