^

PM Sports

Phoenix coaching staff makeover

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idinagdag ng Phoenix Super LPG sina dating Rookie of the Year Rich Alvarez at veteran collegiate mentor Jamike Jarin sa bagong-bihis na coaching staff nito sa ilalim ni interim coach  Topex Robinson para sa balak na 2020 PBA Philippine Cup ‘bubble’ conference sa Clark, Pampanga.

Mismong si team manager Paolo Bugia ang nag-kumpirma sa signing ng dalawang coaches upang tulungan si Robinson na humalili kay dating head coach Louie Alas. Papalitan nila ang mga dating assistants na sina Caesar Polhen at Carmelo Alas na hindi na na-renew ang kontrata.

Ang iba pang bahagi ng coaching staff ng Fuel Masters ay sina Jon Jacinto at Kristoffer Reyes para sa PBA bubble na balak simulan sa Oktubre 9.

Naglaro ng 12 taon sa PBA si Alvarez na siyang No.1 pick noong 2004 Rookie Draft bago naging ba-hagi ng coaching staff noong 2016-2018 ng Mahindra/Kia franchise na ngayon ay Terra Firma na.

Teammates din dati nina Robinson at  Bugia si Alvarez sa legendary Red Bull squad noong 2000s.

Dekalibre ang resume ni Jarin sa hawak na championships sa UAAP juniors para sa Ateneo Blue Eagles at NCAA seniors para sa San Beda Red Lions bukod pa sa pagko-coach ng Batang Gilas sa FIBA World Cup noong 2014.

Samantala, mapipilayan naman ang NLEX Road Warriors sa napipintong PBA bubble dahil sa hindi sasama ni Larry Fonacier sa Clark dahil sa personal na kadahilan, ayon kay head coach Yeng Guiao.

Si Fonacier ang unang manlalaro na nag opt-out sa PBA bubble na tatagal ng dalawang buwan sa Clark.

Nakatakda ang deadline ngayon ng pagsusumite ng final line-up ng mga teams para sa PBA bubble sa pagtatapos ng free agency kung saan maari pang makuha sina Sol Mercado, Ronald Tubid, RR Garcia  at iba pang free angents.

 

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with