Lakers uli sa Game 2
Anthony Davis
Lakers uli sa Game 2
(Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — In-expect na ng Denver na makukumpleto nila ang isang come-from-behind win ngunit isinalpak ni Anthony Davis ang isang buzzer-beating na tres para ilusot ang Los Angeles Lakers laban sa Nuggets sa Game Two, 105-103 at kunin ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference finals series kahapon dito sa NBA bubble.

Isang Lakers legend ang naalala ni head coach Frank Vogel sa ginawa ni Davis.

“That’s a shot Kobe Bryant would hit,” sabi ni Vogel. “To me, AD co-ming off, just flying to the wing like that, catch-and-shoot with the biggest game on the line of our season, nothing but net, it’s a Mamba shot.”

Tumapos si Davis na may 31 points at siya ang umiskor ng huling 10 puntos ng Los Angeles sa final quarter.

Nakahabol ang Nuggets mula sa 16-point de-ficit bago tumipa si center Nikola Jokic ng 11 sunod na puntos para iwanan ang Lakers sa 103-102 sa huling 20 segundo ng fourth period.

Naimintis ni Alex Caruso ang kanyang 3-point attempt sa posesyon ng Los Angeles habang sinupalpal ni Denver guard Jamal Murray ang tira ni Danny Green sa nala-labing 2.1 segundo.

Ang inbound pass ni Rajon Rondo kay Davis ang nagresulta sa buzzer-beating triple ng All-Star forward para ipanalo ang Lakers.

“Special moment for a special player. Happy to be a part of it,” komento ni LeBron James, nagtala ng 26 points at 11 rebounds, ukol kay Davis.

Naglista naman si Jokic ng 30 points at 9 assists habang may 25 markers si Murray sa panig ng Nuggets.

 

ANTHONY DAVIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with