Last day ng PBA free agency
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mayroon na lamang isang araw ang 12 PBA teams na kumuha ng players sa free agency market para sa planong 2020 Philippine Cup restart sa loob ng ‘bubble’ sa Clark, Pampanga.

Bukas ang deadline sa mga teams na kumpletuhin ang kanilang roster matapos buksan ang mga free agency market noong nakaraang linggo.

Kailangang ipasa ng 12 teams ang kanilang final 15-man line up para sa target na pagbabalik-aksyon ng 45th Season ng PBA sa Oktubre 9 sa Clark bubble.

Ilan sa mga solidong free agents na wala pang koponan ngayon ay sina Sol Mercado, RR Garcia, Ro­nald Tubid kasama sina Yousef Taha, Jerramy King, JK Casino, Davon Potts, Jason Ballesteros, Rabeh Al Hussaini at Ping Exciminiano.

Kamakailan ay kinuha na ng TNT si Chris Javier na pinakawalan ng Blackwater.

Sa teknikal na diskusyon, free agent din na maituturing sina PJ Simon at Sonny Thoss subalit nauna nang inanunsyo ang kanilang retirement bago ang 45th Season. Nasuyo sila ng Magnolia at Alaska na maglaro pa ng isang conference sa 2020 Philippine Cup na naputol kahit kasisimula lang noong Marso  dahil sa pandemya.

Sa ngayon, naghihintay pa ang PBA ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa request na PBA Bubble sa Pampanga na sasailalim sa mahigpit na protocols at guidelines sa loob ng dala-wang buwang pananatili ng buong delegation sa Clark.

Kung sakaling aprubahan na ng IATF, lalarga ang 350-man PBA delegation sa Pampanga sa Setyembre 27 bago ang opisyal na games resumption na nakaplano sa October 9.

Maagang tutulak ang PBA delegation sa Clark para magkaroon muna ng dalawang linggong scrimmage dahil sa ngayon ay training/conditioning lang ang nagagawa ng mga players.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with