Walang problema kahit tumaba si Irish Magno
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t nalilibang sa pagbubukid sa kanyang probinsya sa Janiuay, Iloilo City ay hindi naman nagpapabaya si Tokyo Olympics-bound boxer Irish Magno sa kondisyon ng kanyang katawan.

Ayon kay Magno, binibigyan siya ni national head coach Boy Velasco ng training program para mapanatili ang kanyang lakas at bilis sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Every morning po may ibinibigay na training program si coach Boy Velasco. More on endurance po,” wika ng 2019 Southeast Asian Games silver medalist. “At every afternoon naman po may online training kami with coaches and boxers. Kapag may time nasa gym naman po ako.”

Isa ang 29-anyos na si Magno sa dalawang national boxers na nakasuntok ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan kasama si Eumir Felix Marcial.

“Medyo tumaba po ako ng four kilos. Pero okay lang naman daw po iyon sabi ng mga coaches ko kasi medyo malayo pa naman ang laro (Tokyo Olympics) po,” dagdag ng lady fighter.

Nakamit ni Magno ang Olympic berth matapos biguin si Sumaiya Qosimova ng Tajikistan sa box-off round ng flyweight division ng 2020 Asia and Oceania Olympic boxing qualifying tournament sa Amman, Jordan.

Isang buwang namalagi si Magno sa Philsports Complex sa Pasig City galing sa Teachers’ Camp sa Baguio City sa kasagsagan ng community quarantine bago nakauwi sa Iloilo City.

Maliban kina Magno at Marcial, ang iba pang nakasikwat ng Olympic ticket ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.

 

IRISH MAGNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with