Nakaisa ang Boston
Nakaisa ang Boston
(Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Fla. — Bumalikwas ang Boston Celtics mula sa dalawang sunod na kabiguan para idikit sa 1-2 ang kanilang Eastern Conference finals series ng Miami Heat.

Nagpasabog si Jaylen Brown ng 26 points, habang may 25 markers, 14 rebounds at 8 assists si Jayson Tatum para pamunuan ang Celtics sa 117-106 pagpapatumba sa Heat sa Game Three ng kanilang best-of-seven ti-tular showdown kahapon sa NBA bubble.

 Nag-ambag si Kemba Walker ng 21 puntos.

“There’s some great guys in that locker room,” wika ni Brown. “A lot of emotion, a lot of passion, but we’re a family and we’re here for each other at the end of the day. We exemplified that when we came out together. We kept our will high and we persevered to win this game.”

Umiskor si Marcus Smart ng 20 points para sa Celtics na nagdomina sa shaded lane, 60-36 at nagtayo ng 20-point lead para iwanan ang Heat.

Nagbalik sa laro si Gordon Hayward para sa tropa ni coach Brad Stevens matapos magkaroon ng sprained right ankle at tumapos na may 6 points sa loob ng 31 minuto.

Binanderahan ni big man Bam Adebayo ang Miami sa kanyang 27 points at 16 rebounds habang may 22, 17 at 13 markers sina Tyler Herro, Jimmy Butler at Duncan Robinson, ayon sa pagkakasunod.

“This is the conference finals, playing against a really good team,” ani Fil-Am Heat head coach Erik Spoelstra. “You cannot lack in the areas of toughness, physicality, detail, force. They won all of those battles plus the easy transition ones.”

Nakabangon ang Heat mula sa 14-point deficit sa Game One sa overtime, 17-point deficit sa Game Two para manalo ngunit hindi na nila ito nagawa sa Game Three.

 

BOSTON CELTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with