Ibalik ang PBA para sa mga Pinoy--Romero
Mikee Romero
Ibalik ang PBA para sa mga Pinoy--Romero
(Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang pagbibigay ng ‘green light’ para sa pagbabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pinakamagandang magagawa ng gobyerno para sa sambayanan.

Ito ang opinyon ni House Deputy Speaker at NorthPort Batang Pier owner Mikee Romero para magkaroon ng entertainment ang publiko sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Hinikayat ni Romero ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang PBA na ipagpatuloy ang nabinbin nitong 45th Season via bubble concept sa Clark, Pampanga.

“The resumption of the PBA will help the Filipinos cope with depression and COVID. I am certain it will provide relief,” sabi ni Romero. “We need to relax a bit after months of anguish.”

Alam ni Romero ang lahat ng pag-iingat na ginagawa ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at kumpiyansa siyang magagawa rin ito ng mga PBA team owners.

“Under the leadership of Chairman Ricky Vargas and Commissioner Willie Marcial, the PBA has exhausted everything to make the bubble concept safe for everyone,” ani Romero, miyembro ng national polo team na sumabak noong 2019 Southeast Asian Games at kabilang sa 50 richest Filipinos ng Forbes.

Idinagdag ni Romero, may estimated net worth na P6.5 bilyon, na atat na ang mga PBA players kasama ang kanyang Batang Bier squad na maglaro matapos masuspindi ang season noong Marso bunga ng COVID-19 outbreak.

Kung mabibigyan ng ‘green light’ ay magkakaroon ang PBA ng two-week scrimmages bago sumabak sa aktuwal na laro sa Oktubre 9.

“The PBA bubble could just be the start of something good for Philippine sports. Even how hard it is, we have to move on and stay focused,” ani Romero.

MIKEE ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with