Kevin Ferrer ipinangalandakan ang successful na marriage proposal
Kevin Ferrer at MM Belarmino
Kevin Ferrer ipinangalandakan ang successful na marriage proposal
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinangalandakan sa Instagram ni NorthPort Batang Pier small forward Kevin Ferrer ang kanyang pagpo-propose  sa kanyang long-time girlfriend na si MM Belarmino.

“It’s a yes. I love you so much!” caption ng two-time PBA champion sa unang picture kung saan nakaluhod siya sa harap ng nobya na sinundan ng isa pang post ng kanilang picture na magjowa na may caption na: “Bye Ex-girlfriend, Hello Fiancée @mmbelarmino.”

Nag-post din sa kanyang sariling IG si Belarmino ng picture nila ng kanyang future husband kung saan makikita ang kanyang engagement ring.

“You are home. I love you,” ang maiksi ngunit sweet na caption ni Belarmino na college sweetheart ni Ferrer sa University of Santo Tomas (UST).

Bumuhos ang pagbati sa dalawa mula sa mga kasamahan niya sa PBA gaya nina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Sol Mercado, Aljon Mariano, CJ Perez, Japeth Aguilar, Ryan Araña at Troy Rosario pati sina volleyball star Alyssa Valdez, sports commentator na si Denise Tan, singer John Saga at ang aktor at TV host na si Jhong Hilario.

Noong Mayo lamang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-anim na taong anibersayo bilang magkasintahan kung saan nag-post sila ng nakakakilig  na mensahe para sa isa’t-isa.

 

KEVIN FERRER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with