Runway nanguna sa PHILRACOM Three-Year-Old Maiden Stakes
Nilda Moreno (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na sinikwat ng Runway ang titulo sa 2020 PHILRACOM Three-Year-Old Maiden Stakes race kahapon sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

Kumaripas agad sa unahan ang second choice favorite na Runway, sinakyan ni Class A rider Mark Gonzales at pagsapit ng backstretch ay nasa tatlong kabayo na ang lamang nito sa pumapangalawang Zenaida.

Nagbalak lumapit sa winning horse ang Rogelio at Bourne Leader pero nabigo ang mga itong makadikit kahit sa buntot lang ng Runway. May tatlong kabayo ang agwat ng Runway sa pumangalawang Tifosi, nakapagtala ito ng 1:39 minuto sa distansyang 1,600 meter.

Nakopo ng Runway ang premyong P600,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Napunta ang P225,000 sa Tifosi habang hinamig ng Bourne Leader at Rogelio ang third at fourth prize na P125,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod.

 

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with