SMBeer may puhunan nang 1-0 papasok sa Clark bubble
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 1-0 kartada na agad ang San Miguel Beermen pagpasok sa planong PBA bubble para sa 2020 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

Ito ang napagkasunduan ng PBA Board of Governors dahil nakapag-laro na ang Beermen sa naudlot na 45th Season na ihininto ang aksiyon dahil sa pandemya.

Tinalo ng Beermen noong Marso ang Magnolia Hotshots, 94-78 sa kakasimula lang na 2020 Season kaya’t bibitbitin nila sa PBA Clark Bubble ang 1-0 baraha.

Dahil dito, 0-1 na rin agad ang Hotshots at sampung laro nalang ang sasalangan sa PBA restart kapareho ng Beermen.

Ang 10 pang ibang koponan na Ginebra, Talk N’ Text, Meralco, NLEX, Northport, Terra Firma, Alaska, Phoenix, Blackwater at Rain or Shine ay tig-11 games pa.

Ayon sa siksik na format ng PBA Bubble na tatagal ng 2 buwan, swak sa quarterfinals ang top-eight teams habang uuwi na ang apat na kulelat na teams pagkatapos ng tig-11-game eliminations.

Magkakaroon ng twice-to-beat advantage ang top 4 teams kontra sa bottom 4 na koponan bago ang best-of-five semifinals at best-of-seven naman ang championship.

Inaasahang  magkakaroon ng bagong Best Player of the Conference  sa ilalim ng ‘new normal’ sa pagkawala ni reigning BPC June Mar Fajardo ng Beermen.

Kasalukuyan pang pi­na­­ga­galing ni Fajar­do, 6-time MVP at 8-time BPC, ang fractured tibia injury sa paa na natamo niya sa kaagahan ng taon.

Unahan ngayon sa karera ang ilang PBA superstars na sina Jayson Castro ng TNT at CJ Perez ng Terra Firma (Columbian), Christian Standhardinger at Sean Anthony ng Northport na mga kasama ni Fajardo sa 2019 PBA Mythical First Team selection.

Inaasahan ding ma-lakas ang laban ng mga dating Mythical Second Team members na sina Japeth Aguilar at Stanley Pringle ng Ginebra, Ian Sangalang ng Magnolia, Troy Rosario at RR Pogoy ng Talk ‘N Text.

Nasa kamay na ng Inter-Agency Task Force ang desisyon kung papa-yagan ang bubble plan ng PBA na lagpas kalahating taon na ang pahinga dahil sa covid.

 

SAN MIGUEL BEERMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with