^

PM Sports

P65 milyon ang gastos sa PBA bubble

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaking pera ang gagastusin ng PBA para  sa planong bubble sa Clark, Pampanga upang maituloy ang naudlot na 45th Season bunsod ng pandemya.

Nasa P65 milyon ang papakawalan para sa hotel accommodation at pagkain ng buong PBA delegation sa loob ng dalawang buwan na pananatili sa Clark bubble, ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas sa Power&Play program ni dating Commissioner Noli Eala.

Nasa 350-katao ang inaasahang delegasyon ng PBA na binubuo ng staffs, officials at broadcast crew habang tig-25 na katao naman bawat team kasama ang players, coaches at support staff.

Hindi naman mag-iisa ang PBA dahil may inaa-sahan ding hiwalay na ambag sa bubble expenses ang host na Clark para sa planong 2020 Philippine Cup resumption na balak simulan sa Oktubre 9 kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Walang papayagang pamilya o kamag-anak ng mga players o staff sa PBA bubble na  magkakaroon ng mahigpit na protocols at guidelines sahog pa ang mabibigat na penalties sa sinomang lalabag.

Ang buong PBA de-legation ay tutuloy sa Quest Hotel na sampung minuto ang layo sa Angeles University Foundation (AUF) Gym na regular na tahanan ng liga sa out-of-town games nito.

Kapag may go-signal na ang IATF, target ng PBA na lumarga sa Clark sa Setyembre 26 para sa simulan ang scrimmages diretso sa araw-araw na double-header games.

Nasa kamay na nga-yon ng IATF ang kapalaran ng PBA sa planong Clark bubble matapos ang lagpas kalahating taong pagkakatengga sapul nang matigil ang kakabukas pa lamang na 45th Season noong Marso.

Sa ngayon, practice/conditioning per batch pa lang ang ginagawa ng players ngunit humiling na ang PBA sa IATF na payagan na ang srimmages.

Pinayagan na rin ng PBA ang mga teams  na kumuha ng free agents.

Sinamantala agad ito ng Talk ‘N Text sa pagpulot kay dating Blackwater big man Chris Javier.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with