Virtual fans sa PBA bubble
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gaya sa NBA, magkakaroon din ang PBA ng virtual fans sa pla­nong maiksing 2020 Phi­lippine Cup sa balak na ‘bubble’ sa Clark, Pampanga na sisimulan sa  Oktubre 9.

Maglalagay din ng LED screens sa Angeles University Foundation (AUF) Gym tulad ng ginawa ng NBA na may virtual fans sa mga court sa Wide World Sports Complex sa Disney Resort sa Orlando, Florida.

“Parang NBA, may LED. Makikita niyo ‘yung mga fans. Maririnig ng mga players ‘yung sigaw ng fans. May ilalagay na parang graphics ang television pero ‘yung mga fans, makikita,” ani Commissioner Willie Marcial na magiging katuwang ang TV5 sa planong ito.

Dahil walang papa-yagang audience ma-liban sa mga PBA staffs at mga team staffs, inaa­sahang makakadagdag sa aksyon ng PBA bubble ang ingay ng virtual Pinoy fans kahit nasa kani-kanilang mga tahanan.

Bagama’t naghihintay pa ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF), kasado na ang format ng PBA bubble na tatagal ng dalawang buwan sa Clark Freeport Zone partikular sa AUF Gym at sa Quest Hotel kung saan tutuloy ang buong PBA delegation.

Nakatakda ang araw-araw na double-header games para sa 11-game elimination round bago umabante ang top 4 teams na hahawak ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals diretso sa best-of-five semifinals at best-of-seven ang championship.

Magiging mahigpit din ang PBA sa pagpapatupad ng mga protocols at para masigurong lahat ay susunod, mabigat na parusa ang naghihintay sa sinumang lalabag.

Habang nasa bubble, hindi puwedeng lumabas kahit sino at sinumang lumabag sa protocols ay papatawan ng P100,000 multa, isang buwang walang suweldo at five-game suspension sa susunod na PBA Season.

Upang masiguro naman ang kaligtasan ng lahat, magkakaroon ng regular testing ang mga players at staff ayon sa guidelines ng Department of Health (DOH) sa Clark na perpektong bubble choice para sa PBA dahil sa kumpletong amenities at mahigpit na patakaran.

“Ang testing natin, kung ano ang protocol ng DOH. Kung ipapagawa ng DOH, every day, seven days, after seven days, every 14 days, ‘yun po ang susundin natin,” ani Marcial

“One thing about Clark is they have a very strict protocol themselves when they can do actual testing and they do have hospitals and a laboratory there,” dagdag ni PBA Chairman Ricky Vargas ng TNT.

Nagpasalamat din si Marcial kay Clark Development Corporation president Noel Manankil at National Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa pagtulong upang mabuo ang PBA Clark bubble plan.

Sa ngayon ay training/conditioning pa lang ang mga players at humiling na ang PBA sa IATF na payagan na ang scrimmage

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with