PBA bubble sa Clark
PBA bubble sa Clark
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Clark Freeport Zone sa Pampanga ang bubble site ng PBA sa planong maiksing 2020 Philippine Cup kung papayagan ng Inter-Agency Task Force ang games resumption sa ilalim na mahigpit na protocols.

Ito ang inanunsyo ng Asia’ oldest professional league kahapon matapos ang masinsinang pagpupulong ng PBA Board of Governors sa pangunguna ni Commissioner Willie Marcial at Chairman Ricky Vargas ng Talk ‘N Text.

Sa Oktubre 9 ang target na restart ng PBA matapos ang lagpas kalahating taong pahinga nang maudlot ang kakasimula lang na 45th Season noong Marso.

Gaya ng NBA, ang lahat ng 12 PBA teams ay mala-lock-in at lalaro sa Angeles University Foundation (AUF) Gym na regular na tahanan din ng PBA sa out-of-town games nito sa Pampanga.

Araw-araw na double-headers ang laro sa PBA Pampanga bubble.

Dahil sa suwabeng training ng mga PBA teams simula pa noong nakaraang buwan, umaasa ang PBA na makaangat na ito sa scrimmage training simu-la Setyembre 26 para sa asintang restart sa Oktubre na dedepende pa rin sa go-signal ng IATF.

Nauna nang sinabi ng mga PBA players na pabor sila sa naturang bubble concept kumpara sa closed home-venue circuit option matapos ang makipagdayalogo kay Marcial kamakalawa.

Samantala, matatapos na ngayon ang ikalawang round ng COVID-19 swab testing ng PBA teams bilang bahagi pa rin ng guidelines at protocols sa training resumption sa ilalim ng Joint Administrative Order ng Philippine Sports Commission, Games and Amusements Board at Department of Health.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with