Hidilyn hanggang December pa magte-training sa Malaysia
Hidilyn Diaz
Hidilyn hanggang December pa magte-training sa Malaysia
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong buwan nang stranded si 2016 Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa Pinay national weightlifter, posibleng hanggang Disyembre pa siya mananatili sa Malaysia para paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Dito muna kami hanggang December. Kapag naging okay na ang lahat uuwi kami tapos titingnan namin (ang sitwasyon) saka kami magpaplano,” sabi ng tubong Zamboanga City sa pa-nayam ng CNN Philippines. “Mahirap kasi ngayong magplano dahil hindi natin alam ang mangyayari next year or after three months.”

Iniurong ang Tokyo Olympics sa susunod na taon bunga ng COVID-19 pandemic na nakaapekto sa mga qualifying tournaments.

Nasa No. 5 si Diaz sa buong mundo sa women’s 55kg category at isang Olympic qualifying tournament na lamang ang kailangan niyang salihan para opisyal na maibulsa ang Tokyo Olympics ticket.

Hangad ni Diaz ang kanyang ikaapat na sunod na Olympics stint matapos noong 2008 sa Beijing, China, 2012 sa London at 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan niya nakopo ang silver medal.

Bukod kay Diaz tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang nakasikwat ng Olympic berth.

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with