Lina aalis din sa UST
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang exodus sa España sa posibleng pag-alis ng isa pang manlalaro na si University of Santo Tomas  (UST) high school star at Batang Gilas Pilipinas standout Bismarck Lina.

Lumutang ang mga ulat kamakalawa na nasa negosasyon na ang University of the Philippines (UP) para makuha si Lina na kinumpirma naman kahapon mismo ni Fighting Maroons coach Bo Perasol.

“We’re still in the middle of talks with Bismarck,” ani Perasol sa isang phone interview.

Kagagaling lang ni Lina sa impresibong kampanya sa UST Tiger Cubs sa inirehistro nitong 16.6 puntos at 10.9 rebounds bago mag-commit na ipagpatuloy ang collegiate career sa UST men’s team. Subalit pumutok ang kontrobesiya ng UST training bubble sa Sorsogon na nagresulta sa pagsibat ng pitong players.

Nasa La Salle na sina Mark Nonoy at Deo Cuajao, sa Mapua si Jun Asuncion at nasa Letran naman sina Rhenz Abando, Ira Bataller at Brent Paraiso.

Kung sakali, ang 6-foot-5 versatile big man na ang magiging ikawalong manlalarong mawawala sa UST  bukod pa sa resignation ni athletics director Fr. Jannel Abogado, OP at UAAP indefinite ban sanction kay coach Aldin Ayo.

Makasama  ni Lina si CJ Cansino (unang player na lumayas sa UST) sa UP squad sa UAAP Season 84 matapos ang kanilang residency gayundin ang mga Batang Gilas teammates na sina RC Calimag, Carl Tamayo at Gerry Abadiano na na-recruit ng UP.

 

UST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with