Heat nakauna sa Celtics
Heat nakauna sa Celtics
(Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Denver pasok sa finals vs Lakers

LAKE BUENA VISTA, Florida — Kinumpleto ni Jimmy Butler ang three-point play sa huling 12 segundo at sinupalpal ni Bam Adebayo si Jayson Tatum para iselyo ng Miami Heat ang 117-114 overtime win kontra sa Boston Celtics sa Game One ng kanilang Eastern Conference finals.

Tumapos si Butler na may 20 points at nag-ambag si Adebayo ng 18 markers para sa Heat, nakahugot din kina Goran Dragic at Jae Crowder ng 29 at 22 points, ayon sa pagkakasunod.

“I think that’s my job to help us win games at any point in time, but definitely in the fourth, definitely in overtime,” sabi ni Butler sa 1-0 abante ng Miami sa kanilang East finals series ng Boston.

Humataw si Tatum ng 30 points para sa Celtics at may 26, 19 at 17 markers sina Marcus Smart, Kemba Walker at Jaylen Brown, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kumamada si guard Jamal Murray ng 40 points para pamunuan ang Denver Nuggets sa 104-89 pagsibak sa LA Clippers sa Game Seven ng kanilang Western Confe­rence semifinals wars.

Tinapos ng Nuggets sa 4-3 ang kanilang semis duel ng Clippers at haharapin nila ang Los Angeles Lakers nina LeBron James at Anthony Davis sa West finals.

Ito ang unang pagkakataon na umabante sa conference finals ang Denver matapos noong 2009.

Ang Denver ang unang team sa NBA na dalawang beses nakabangon mula sa 1-3 series deficit sa isang postseason.

Kumolekta ang 7-foot na si Nikola Jokic ng triple-double na 16 points, 13 assists at 22 rebounds.

 

CELTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with